Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2020

Quituinan Hills ng Camalig, Albay

Imahe
   Sa loob ng probinsya ng Albay, iyong makikita ang gintong ilaw na nagmumula sa sinag ng araw sa lugar ng Quituinan Hills, Camalig, Albay. Maraming turista ang dumarayo - maraming p'wedeng gawing mga bago. Sumakay sa kabayo o tumakbo sa damo, itong ipinagmamalaki ng Camalig, Albay ay talagang totoo.    Ilang taon na ang nakalilipas nang madiskubre ang lugar na ito. Mula sa kapaanan ng bundok, hanggang ika'y maka-abot sa taas ay iyong matutunghayan ang kabanabanaad na kulay ng lugar dito. Sa iyong likuran ay iyong matatanaw ang perpektong tatsulok na Bulkan Mayon. Talagang mapapanglaw ka sa tanawing ito na para bang ika'y nasa langit.     Sariling atin kumbaga. Tunay na mapapawi ang iyong mga sama ng loob. Malinis at masarap na simoy ng hangin, sari-saring tanawin, Quituinan ay tunay na pinapanalangin. Sa lugar na ito, maari kang sumakay sa mga kabayo, kumain kasama ang iyong mga mahal sa buhay, o maglakad-lakad sa kalsada kasama ng iyong mga kaibigan o kasinta

Embarcadero de Legazpi ng Legazpi City, Albay

Imahe
       Ang Legaspi City sa Albay ay isang maunland na lungsod na mayroong magandang pasyalan gaya na lang ng Embarcadero.Ito ay ang premier na sentro ng komersyal at libangan sa Bicol Region. Bilang isang taong mahilig sa magandang istraktura at pasyalan ako ay labis na nasasabik na makapuntang muli sa lungsod ng Legazpi. Kahit ilang beses na akong nakapunta sa Embarcadero De Legaspi at Hindi i pa rin ako magsasawang balikbalikan ang maganda at masayang lugar na ito.        Ang Legaspi Boulevard at Sea Wall Park ang Isa sa magandang pasyalan sa Embarcadero De Legaspi. Mula sa Penaranda Park sa kahabaan ng Rizal Avenue napakadaling punta sa Embarcadero dahil lahat ng dyip ay dumadaan sa taong lugar. Para naman sa malalayo ang bayan ay pwede silang gumamit ng pribado o pampublikong sasakyan. Ang salitang Embarcadero ay talaga namang Hindi ko makakalimutang dahil Isa ito sa nagbigay ng magsasawang sandali sa aking buhay. Isa pa sa magandang pasyalan sa Embarcadero ay ang Light

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Imahe
   Napakaraming simbahan ang makikita mo sa Alabay simula sa pinakamaliliit hanggang sa mga naglalakaihang simbahan, ngunit ang simbahan ng Daraga or tinatawag ring Daraga church ang wag na wag mong palalampasin. Ang Daraga church ay nakilala noong 18th century na gawa sa mga volcanic stones o mga bato galing sa bulkan. Maraming nang mga sakuna at mga pangyayari ang pinagdaan ng simbahan ng Daraga, isa na doon ang pagputok ng bulkang Mayon noong 1814, naging malaki at malawak ang naabot na pinsala ng nasabing pagsabog nagiwan ang pangyayaring ito ng 2,000 kataong patay. Isa pa sa mga pangyayaring dinaanan nito ay ang panahon ng digmaam o noon World War II, ginamit ang simbahan bilang headquarters ng mga Hapon noong panahon ng digmaan.   Ang Daraga Church ay ipinatayo noong 1773 ng mga Franciscan Missionaries, ang 240 taong gulang n simbahang ito ay isa sa mga hindi kapanipaniwalang mga gawa ng tao sa Legazpi, Albay. Noong 2007 idineklara ang Daraga Church bilang National Tr

Quituinday Hills ng Camalig, Albay

Imahe
    Mula sa Capital ng Probinsya ng Albay isang oras mahigit ang tatahakin upang makapunta sa Camalig Albay, isang lugar kung saan matatagpuan ang nakatagong kayamanan ng probinsiya.Ito ay tinaguriang kapatid ng "Chocolate Hills" ng Bohol ngunit mula saaking karanasan mayroon paring pagkakaiba sa maraming aspeto at ito ang nag bibigay ng natatangingn ganda at aliw sa mga tao.    Isang nakatutuwang kaganapan saaking buhay ang makapunta sa iba't ibang magagandang tanawin katulad na lamang ng Quitinday Hills.Bukod sa ito'y napakaganda ito rin ay nakakatulong sa pag tanggal ng stress saatin lalo na't sa kaganapan saating mundo.Bagamat nagpapatupad ng tinatawag na health protocols o mga pamantayang pang kalusugan ay hindi dapat mawala ang pag tanaw sa magaganda't makukulay na tanawing bigay ng Poong Maykapal.Subalit panatilihin pa rin ang kalinisan hindi lamang sa kalikasan kundi narin sa pansariling kaligtasan.                               - ALEYAH RO

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay

Imahe
   Isa sa magagandang destinasyon na aking napuntahan ay ang Hoyop-Hoyopan Cave na makikita sa lugar na Matatagpuan sa Cotmon Village, Camalig, Albay.       Ito ay kilala bilang kuwebang pinakasikat at ang tinatago nitong kagandahan na makakamtan sa pagpasok sa nasabing kweba. Noong ako'y napadpad sa destinasyong ito labis ang aking pagkamangha sa dami ng lagusan na mapapasukan na nagmumungkahing isang "Labyrinth" o kung sa tagalog ay laberinto.        May laki itong 280 square meter, tinawag itong "Hoyop-Hoyopan" sa wikang Bicolano na ang ibig sabihin sa salitang tagalog ay "Hipan ng Hangin". Pinupuno ito ng malalaking bato na iba't ibang hugis.         Ayon rito ang kweba na kasing edad ng 3000 B.C hanggang 4000 B.C. Samantala, Ang mga garapon na natagpuan sa loob ng yungib ay may petsang mula 200 B.C. hanggang 900 A.D. at ito ay maiugnay sa Calanay complex.        Maraming mga pasukan at labasan ay nag-iiba mula sa dalawa hanggang 10

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Imahe
   Ang Our Lady of the Gate Parish ay itinayo noong 1772. Ang simbahan ay mayroong kasaysayan at may isang kamangha-manghang tanawin ng isang labis na pagtingin sa Mayon Volcano (na isa sa mga dakilang kababalaghan sa Mundo). Ang lugar na ito ay nakaupo sa tuktok ng burol at maraming mga mag-asawa ang nagbu-book o nais magpakasal sa simbahang ito.     Ipinagdiwang ang aking kaarawan dito sa Daraga noong nakaraang Pebrero. Bumisita kami sa Our Lady of the Gate Parish at nakarinig ng isang misa. Ang simbahan ay binago ngunit maaari mo pa ring makaramdam ng nostalhik sa ambiance nito. Sa labas mismo ng simbahan, maaari ka ring magkaroon ng isang perpektong pagtingin. Dapat bisitahin kapag nandito ka sa Albay. Reperensiya:   www.google/images.com                              - HAROLD SENDICO (12- HUMSS B)

Mirisbiris Garden and Nature Center ng Sto. Domingo, Albay

Imahe
   Ang Mirisbiris ng Salvacion Sto.Domingo Albay ay karaniwang binibisita ng mga kabataan na nag eehersisyo pati na rin mga matatanda at mga tao na galing sa ibat ibang lugar binibisita ito dahil tila nga ba nakakawala ng pagod dahil sa taglay nitong ganda at kalinisan ng paligid pati na rin ang karagatan.    Pag pasok mo palang dito ay bubungad na sayo ang mga napakagandang halaman na namumulaklak meron din itong mga Herbal na halaman kung saan may mga kanya kanyang pangalan at kapag lumibot ka pa ay makikita mo ang napakagandang tulay kung saan tinatawag ito sa Ingles na ''Hanging Bridge''dahil dito ay marami ang kumukuha ng mga litrato.Ngayong taon na ito ay mayroon sila na bagong dinarayo kung saan makikita mo ang mala hugis na apa ng Mayon Volcano.Ito'y pasok naman sa inyong budget dahil pag pumasok ka rito ay hindi sila humihingi ng bayad basta't sundin mo lang ang kanilang alituntunin na bawal pumitas ng halaman at huwag mag tapon ng basura ka

Vanishing Island ng Malilipot, Albay

Imahe
     Ito ay isa sa sa mga magaganda at dinadayong atraksiyon sa Albay. Ito ay matatagpuan sa Malilipot, Albay . Ito ay tinawag na Vanishing island dahil tila ito'y nawawala tuwing high tide at kapag low tide naman ay lumilitaw ang mga buhangin,hindi ito isla mismo dahil kumpara sa ibang mga isla ay wala kang makikitang mga puno kundi tanging buhangin at malinaw na tubig. Sinasabing nabuo ito dahil sa mga malalaking alon na dulot ng mga bagyo. Ito ay masasabi kong " A Beautiful Disaster".    Sa unang tingin mo pa lamang ay talagang mamamangha kana sa taglay nitong nakakabighaning ganda. Naalala ko pa noong una kaming pumunta sa Vanishing Island ay sobrang ganda talaga nito kahit sa malayo. Alas dose ng hapon kami umalis para makapunta doon ng maaga. Nahuli kami dahil naghanda pa kami ng kakainin namin doon, wala kaseng tindahan doon kaya't nagdala nalang kami ng sarili naming pagkain. Isa hanggang dalawang oras ang naging byahe namin. Hindi na kami nagrenta pa ng bangk

Vera Falls ng Malinao, Albay

Imahe
   Isa ka bang adventurous, hilig maglibot-libot, gustong takasan ang ibat-ibang problema sa kabihasnan, at gusto mong maglakwatsa? Heto ang "Vera Falls" para sayo. Ang Vera falls ay nadiskubre noong taong 1980's bagamat may kalayuan ang naturingang lugar sisiguraduhin naman sa iyo na sulit ito. Napakaganda ng lugar at napakalinis din nito at ang tangi ko lang na masasabi ito'y pasok sa tinatawag nilang travel goals. Ang Vera falls ay matatagpuan sa Malinao, Albay, Philippines. Ang pinakamagandang katangian din ng lugar ay ang napakalamig nitong tubig meron din itong 25 meters na mini waterfalls galing sa mga bato sa tabi. Sa aking pagsasaliksik, ito daw ay mayroong 2 meters na lalim ang tubig ding Ito ay napakalinaw at napakalinis humihingi rin sila ng donasyon para sa para sa pagpapanatili ng kalinisan ng lugar. Ang entrance fee ay sampung piso lamang habang ang parking ay nagkakahalaga ng 50 pesos may mga tindahan at cottages rin dito at ang ikinatutuwa ko ang may

Danao Lake ng Danao, Bacacay, Albay

Imahe
           Angpinakamaliit na magagamit na komersyal na isda (Pandaca Pygmea) sa mundo na ginagawang tirahan ng lawa ng bundok na ito sa Barangay Danao, Polangui.    Ang mga bihirang tabios o sinarapan, na isa sa mga katutubong pagkain ng Bicol, ay karaniwang niluluto na nakabalot ng mga dahon ng saging at pinahiran o sa coconut milk. Ang mga mangingisda na kasing laki ng eel pati na rin iba pang mga uri ng sariwang tubig na species ay matatagpuan din dito.                       - REVELYN BAROGA (12- HUMSS B)

Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay

Imahe
  Kung kayo ay nag hahanap ng magandang lugar upang magkaroon ng mapayapang pag iisip, tumakas sa magulong mundo kahit ilang oras lamang at maging masaya na walang iniisip na iba. Farm Plate ang irekomenda ko sainyo, kapag kayo ang nakakaramdam ng stress, may mga problema sa buhay at hindi nakakapag isip ng mabuti, ito ang tamang lugar.    Akalain mo sarili mo nag rerelax sa isang farm. Ito ay mapayapang lugar upang makapag pahinga habang nilalasap ang  sariwang hangin habang tanaw na tanaw ang ating magandang Mayon Volcano. Farm Plate ay lugar para sa lahat, magandang lugar upang dalhin ang iyong, pamilya, mga kaibigan, at ang kasosyo. Pwede rin  kayo rito mag camping magdamag sa isang mapayapa at ligtas na lugar. Mag lakad lakad upang makita ang mga mlalaking pigeons houses, stone house, camp site, mga kabayo. Umupo sa duyan at mga cottage habang masayang nag sisipsip ng buko juice. Mga bata naman ay pwedeng ma enjoy ang palaruan, carabao ride at mag bisikleta sa loob ng farm. Meron

Pinamuntugan Island ng Cagraray, Bacacay, Albay

Imahe
   Ang islang ito ay napakaganda dahil para itong "little Boracay" na tawagin. Ang islang Ito ay maganda at  napapaligiran nang maraming puno, maraming mga turista ang dumarayo dito at naliligo dahil sa napakagandang tanawin at  malinis na kulay asul na karagatan kaya maraming tao ang naaakit  na pumunta rito. Dito rin kadalasan ang mga tao kapag tag init dahil napakagandang maligo rito dahil sa preskong tubig. Karamihan sa mga dumarayo rito ay mga pamilya na gustong mapuntahan ang isla, mga pamilyang gustong magbakasyon at mga turistang mag overnight roon.     Sa katunayan, isa ito sa pinakamagandang tourist spot na puntahan sa bacacay. Isa Rin Ito sa mga dinararayo ng mga turista na nagbabakasyon rito sa Bacacay. Reperensiya:   www.google/images.com                          - JULIE CACERES (12- HUMSS B)

Ligñon Hill Natural Park ng Daraga, Albay

Imahe
   Ang taas na 156-metro na Ligñon (binaybay din ng Lingñon, binibigkas bilang / li-NYON /) Ang Hill ay palaging isa sa pinakatanyag na palatandaan ng Legazpi. Sa loob ng maraming taon, ang Ligñon Hill ay kilala lamang sa obserbatoryo ng PHIVOLCS na matatagpuan sa mga gilid nito at isang lumang parola sa tuktok nito. ngayon, ito ay naging isa sa mga pangunahing patutunguhan ng lungsod para sa mga pasyalan, adventurer at kahit mga fitness buff.     Ang bagong Ligñon Hill Natural Park ay nangangako na magiging pinakamahusay na patutunguhan sa lungsod na nag-aalok ng mga pasyalan at aktibidad para sa lahat ng uri ng mga bisita. para sa mga pasyalan, isang panoramic na 360 degree view ng Legazpi City, Daraga, Albay Gulf at ang Mayon Volcano na naghihintay sa viewdeck. Ang isang naka-landscape na promenade pati na rin ang mga restawran at tindahan ay nagsisilbi din sa mga panauhin .                        - NOELYN  JORDAN BELEN (12- HUMSS B)

Vanishing Island ng Malilipot, Albay

Imahe
   Ang Pilipinas ay isang maliit na bansa na matatagpuan sa Asia. Pilipinas ay tinatawag na Perlas ng Silangan dahil sa angking kagandahan na tinataglay nito. Ang ating bansang Pilipinas ay mayayaman sa magaganda nitong tanawin kaya naman maraming mga dayuhan ang nahuhumaling sa taglay nitong ganda. Ikaw? Napuntahan mo na ba ang kasuluksulukan na ganda  ng tanawin ng ating bansa? Kung hindi pa halina't sabay tayong maglakbay sa aking ibabahagi na isang kalikasan na alam kong halos iba sainyo hindi pa napupuntahan ito! Pagkatapos ninyong basahin ito, hindi kayo magdadalawang isip na puntahan ito < ;     Sa lugar ng Rehiyon V Bicol ay isa sa mayroong magandang tanawin na pinupuntahan ng mga turista ay ang magandang hugis ng Mayon Volcano. Ngunit hindi lang yan ang magandang lugar na dapat ninyong puntahan dahil may isang nagtatagong lugar na higit niyong magugustuhan. Ito ang Vanishing Island, sa gitna ng karagatan ng Malilipot, Albay. Matutuklasan mo rito ang isang magandang kali

Drew Island Beach, Namanday, Bacacay, Albay

Imahe
   Noong nakaraang ilang buwan ay naging usap usapan Ang bagong beach na talaga namang napakaganda sa munisipalidad ng Bacacay na matatagpuan sa isang baranggay ito ay sa Namanday, Bacacay , Albay. Ang beach na ito ay pinangalanang Drew Islang Beach. Kaya naman ng aming mapag alaman na maraming turista ang nagdadarayo dito ay hindi kami nag pahuli sa pagbisita dito. Noong nakaraang Hulyo ay napag pasyahan Ng aking pamilya na pumunta dito .     Talaga namang kamangha mangha ang nasabing beach, sinabayan pa Ng napaka gandang panahon, talagang namang narerelax ang iyong mga isipan. Sa pag punta namin doon ay sumakay kami ng bangka mula sa Bacacay port, dalawang oras Ang aming naging byahe bago makarating sa beach na ito. Talagang maeenjoy mo Ang pagpunta doon dahil sa byahe pa lamang ay makakakita kana nag magagandang tanawin katulad ng dilaw na kalawakan , matataas at matatayog na puno, mga nag lalakihang bato na hinahamapasan ng tubig dagat at Ang preskong hangin na yumayakap sa aming m

Sumlamg Lake ng Camalig, Albay

Imahe
      Sumlang lake lugar na kung saan pwede  ka mag relax kumain mag enjoy at marami pang iba maganda ang tanawin dito pwede kang sumakay sa isang balsa na kung saan ay pwede mo malibot any lugar at makahanap ng magandang view para sa picture.     Pwedeng pwede kayo mag date dito kung hindi naman ay mag date kayo ng mga kapatid tamang lugar na puntahan kahit malayo sulit naman dahil maraming pwedeng makita  Kung pagod kana at gusto mo mag relax ay tamang tama ang sumlang lake na puntahan  Talaga namang kamangha mangha ang lugar na yan.                                              - EDLYN BEQUIO (12- HUMSS B)  

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Imahe
    Kung ang trip nyo magkakaibigan ang vibe na, boracay at palawan upang mag outing na may banda at  mag camping sa taning dagat habang tinitingnan ang magagandang bituin, Punta Almara ang magandang lugar upang puntahan.      Ito ay matatagpuan sa Maonan Ligao, maganda pumunta rito kapag ka gabi dahil meron silang banda, may mga cottage den dila at sa loob ay may higaan na pedeng tulugan, kung madami kayo magkaka sama at hindi kasya sa loob ay pwede den mag rent ng mga tent. Ito ay magandang puntahan ng mga taong problemado at gustong takasan ang lugar na dahilan ng kanyang pinag dadaanan dahil makakalma ka sa simoy ng hangin rito at ang tunog ng mga alon sa dagat. Marami din ang dumadayo dito dahil sa ganda ng kapaligiran at ito rin ay white sand. Pwede den mag laro ng volleyball dito. Ito ay tamang lugar upang mapag usapan ang kanya kanyang problema, pag usapan ang tungkol sa mga buhay kasama ang mga kaibigan, pamilya o kung sino pa man ang kasama dahil wala ditong signal, walang In

Sumlang Lake ng Camalig, Albay

Imahe
     Ang Sumlang Lake ay dating isang pangit na pato na puno ng maruming tubig at tinakpan ng mga water lily. Nariyan ito ng mga dekada, nakikipagkumpitensya kay Mayon para sa pansin. Sa loob ng maraming taon ay hindi ito pinansin. Pagkatapos isang araw, noong 2014, ginanap ang isang "bayanihan" at nagpasya ang mga residente na linisin at limasin ang lawa ng mga labi.Mas masisiyahan ang Sumlang Lake kapag sinubukan mong sumakay sa kawayan na raft, pagsakay sa sagwan o kayaking. At syempre, hindi magiging kumpleto ang biyahe nang walang mga selfie, sa oras na ito kasama ang Mayon Volcano bilang iyong background.Sa isang nirentahang tricyle Sumlang Lake ay humigit-kumulang 30 minuto mula sa Legazpi. Papunta sa lawa maaari kang gumawa ng isang hintuan sa Cagsawa Ruins na talagang maganda para sa mga larawan din. Binayaran namin ang traysikel na php 800 (naghihintay ang driver sa Cagsawa at Sumlang).    Bayad sa pagpasok para sa Sumlang Lake ay php 20. Nasa loob ang isang napakag

Misibis Bay Resort ng Cagraray Island, Bacacay, Albay

Imahe
Misibis Bay Resort ,Cagraray matatagpuan ito sa cagraray island dinarayo ito sapagkat maganda ang tanawin dito may malinis na dagat na sya talagang dinarayo. May ma-preskong hangin at meron din ditong hotel na kung saan pwede kang mag check-in may kamahalan nga lang pero di ka magsisisi sapagkat napakaganda dito kung hanap mo naman ay swimming pool ay meron din, malinis ito dinarayo talaga ito dahil napaka ganda dito .Masasabi kung maganda sapagkat naka punta na ako mismo dito sa resort na ito na kung saan dalawang araw rin kami doon mababait din ang mga staff dito asikasong asikaso ang lahat ng mga bumibisita doon .Noong isang taon nga ay doon ginanap ang Miss Earth.                         - CECILE AYNERA (12- HUMSS B)  

Busay Falls ng Malilipot, Albay

Imahe
     Ang Busay Falls ay isang popular na pasyalan o Day Trip Destination para sa mga lokal na turista na mahilig sa adventure.Sikat itong pasyalan lalo na kapag araw ng sabado at linggo at kapag sa panahon ng mainit na buwan ng Marso,Abril at Mayo. Ang Busay Falls ay matatagpuan sa sentro ng Bayan ng Malilipot, Albay na nasa isang liblib ng isang gubat na bundok na malayo sa sibilisasyon kung saan napaka presko ng hangin at tamang tamang lugar para sa mga nagpapahinga at naghahanap ng mga lugar para mag relax. Ang nasabing Talon ay may layong 5 kilometro mula sa siyudad ng Tabaco at 20 kilometro naman sa hilaga ng siyudad ng Legaspi. Sa mga nais pumunta,mamasyal at sumubok maligo sa ganda ng talon ay maaring gumamit ng mga pribado o pampublikong transportatasyon.    Ang Busay Falls ay mayroong pitong yugto o sa madaling salita ito ay hindi lamang iisang talon ,meron itong pitong maliliit na talon kung saan kailangan mo pang umakyat sa matatarik na batuhan at madudulas na daanan kapag u

Embarcadero de Legazpi ng Legazpi City, Albay

Imahe
      Una sa lahat kaya ko to napili kasi maganda ang mga tanawin at malinis nag kapaligiran. Palagi kami pumupunta diyan kasama ko sina tita at mga pinsan ko pag nasa Rawis kami. Nagjo-jogging din kami pag umaga habang nag-aantay Kay Tito kasi pag kumukuha ng isda sa palengke, at pag maglalaro mga pinsan ko sa embarcadero nagshoshoping muna kami ni tita dun. Maganda talaga sa embarcadero lalo na ang seawall at mga tanawin doon at palaging malinis ang paligid nila. Reperensiya:   www.google/images.com                                      - KENNETH JAKE ALBA (12- HUMSS B)

Cagsawa Ruins ng Daraga, Albay

Imahe
     Ang Cagsawa Ruins (tinatawag din bilang Kagsawa o Cagsaua) ay ang labi ng isang ika-18 siglong simbahan Pransiskano. Ang Cagsawa ay simbahang itinayo noong 1724 at nawasak sa pamamagitan ng pagsabog ng Mayon Volcano noong 1817. Ito ay matatagpuan sa Barangay Busay, Cagsawa, sa munisipalidad ng Daraga, Albay.Ang mga labi ay kasalukuyang protektado sa parke na pinangangalagaan ng munisipal na pamahalaan ng Daraga at sa National Museum ng Pilipinas. Ito ay isa sa mga pinaka-popular na destinasyon ng turista sa lugar. Kaya hindi na bago sa mga Albayano ang mga pagdayo ng maraming turista.                                  - ANJELA MAE SERRANO (12- HUMSS B)

Cagraray Eco-Energy Park ng Cagraray, Bacacay, Albay

Imahe
   Madami kang makikitang spot sa cagraray eco park na makakatangal ng itong stress hali kana at pasyalan ang cagraray eco park.    Nakasisilaw sa isang pangkalahatang ideya ng beach at mga kalapit na isla, ang Cagraray Eco Park ay isang masaya at nakamamanghang palaruan. Ito ay pinakamahusay na naranasan kapag nasa isang ATV o golfcart dahil nagbibigay ito sa isa ng pakiramdam ng pagtuklas at pakikipagsapalaran. Cagraray Ampitheatre    Sa pagkakita ng kamangha-manghang istrakturang ito, hindi mo maiwasang mamangha sa magandang arkitektura. Nakatayo sa tabi lamang ng dagat na may berdeng backdrop, ang ampiteatro ay ang perpektong lugar para sa isang pag-shoot ng larawan, lalo na kapag naiilawan ito kapag dumilim ang langit. Gayunpaman, ang pinakamagandang oras na darating ay maaga sa umaga upang mahuli mo ang pagsikat ng araw. Cagraray EcoPark Zipline    Kumpletuhin ang kasiyahan sa pamamagitan ng pag-ziplining sa parkeng Eco-Energy ng Cagraray. Masiyahan sa nakakarelaks na setting ng

Kawa-kawa Hills ng Ligao, Albay

Imahe
   "Kawa-kawa Hill", isa sa mga sikat na destination na matatagpuan sa Ligao, Albay. Kilala ito dahil sa kakaibang mga malalaking imahe na nagpapakita at naglalarawan nang iba't-ibang karakter mula sa bibliya at ng "Station of the Cross", tuwing pinagdidiriwang ng holy week ay maraming tao ang pumupunta dito lalo na ang mga matatanda para magpinetensiya. Isa sa mga sikat na malaking imahe na naririto ay ang "The Last Supper".     Ito ay bukas lamang sa publiko para makita at mabigyang halaga ang ganda ng lugar at kapaligiran. Sa loob nang pasyalang ito ay mayroong mga maliliit na tindahan na nagbebenta ng mga souvenirs o pasalubong, mayroon din mga kainan at tambayan.     Totoong maganda at nakakamangha ang "Kawa-Kawa Hill" mairerekomenda ko ito na inyong pasyalan.                    - JOBELLE ANN BELMORO (12- HUMSS B)

Mirisbiris Garden and Nature Center ng Sto. Domingo, Albay

Imahe
   Mirisbis garden ay isa sa mga bagong sikat na pasyalan. Matatagpuan ito sa Sto. Domingo,Albay. Nakilala ito dahil sa angking kagandahan ng kapaligiran ang pinapangalagaan nila ang kalinisan. Mayroon ditong magagandang halaman at mahabang lakbayin my madadaanang kang hanging bridge patungong beach.     Sulit ang pag lalakbay patunong beach dahil napakalinis nito at naging sikat din ito na venue sa mga shoot tulad ng wedding shoot at pre-debut shoot dahil nga sa maganda nitong kapaligiran. Mas dumarami pa ang mga dumarayo dito ilang beses narin akong pabalik balik dito dahil dito ko nahanap ang katahimikan at kalayaan.                                   - ZENDY ALEXA BECHAYDA (12- HUMSS B)

Pinamuntugan Beach ng Bacacay, Albay

Imahe
   Isang tahimik na lugar o isla,sariwa at masarap ang simoy ng hangin bihira lamang itong dayuhinng mga turista, ngunit ito'y isa sa pinakamagandang tourist spot na  aking napuntahan na tiyak na magugustuhan ng ating mga kababayan. Kasama ko ang aking pamilya't sabay sabay kaming nasiyahan sa hatid nang napakagandang tanawin na dulot ng lugar na ito. Matatagpuan nga pala ang pinamuntugan beach island sa brgy. Langaton malapit sa San pablo Bacacay albay. Maganda itong dayuhin tuwing tag init. Mahigit dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe papunta sa beach ngunit sulit din ang pamasahe. Meron ding conservation fees  //Day trip // (albay residents)  *Adult- P150 *Child 2-4ft P70. (Non-residents) *Adult-200 *Child-100 //Overnight// (Albay residents) *Adult-P210 *Child-P180 (Non-residents) *Adult- 300 *Child-250N    Napakagandatalaga at ang ang presko ng hangin sa Pinamuntugan beach at hindi mo rin maiisip ang iyong problema dala nang napakalawak at magandang isla kung itutuloy ni

Albay Park and Wildlife ng

Imahe
   Ang Albay park and wildlife ay isang kilala lang tourist spot sa Albay Legazpi, ito ay isang picnic grove at park na pinag sama, sa aking pag punta dito ay marami akong nakitang mga bagay na magaganda, tulad ng fishponds, kung saan pwede kang ma mangka.     Nakaka tuwang puntahan ang Albay park and wildlife sapagkat makaka kita dito ng iba't ibang hayop, tulad ng mga tiger, Philippines Hawk Eagle, bleeding heart pigeons,ring neck pheasant, iguanas at mga Boa o phyton snakes, tunay na kakaiba ang lugar na ito. Meron din ditong back horse riding At mura din ang entrance fee at tunay na sulit na sulit nga ito para sa buong pamilya na nais makatipid. Sa halagang bente at sampong piso ay para ka ng naka punta sa africa. Bukas ang Albay park and wildlife mula 8:00 am ng umaga hangang 6:00 pm. Mayroon dito na mahigit na 347 na uri ng hayop.     Sulit ang bakasyon mo dito. Kaya ano pang hinihintay mo? ARAT NA?                           - JASMINE HERNANDEZ (12- HUMSS B)

Cagraray Eco-Energy Park ng Cagraray, Bacacay, Albay

Imahe
  Hindi mapagkakaila na napakaganda at hitik sa likas na yaman ang Munisipalidad ng Bacacay. Parte nito ang islang may tinatagong nakakahalinang paraiso para sa mga mamamayan lalo na sa mga turista. Ito'y napapagitnaan ng dalawang isla, ang isla ng San Miguel at Batan- ang Isla ng Cagraray. Bakit ko ito sinasabi? Dahil may lugar sa Cagraray na binibisita, hindi lang lokal kundi internasiyonal. Ito ang Cagraray Eco-Energy Park. Tara! Ilalarawan ko sa inyo kung ano-ano ang mga naranasan ko.    Tahimik, sariwang hangin, 'instagrammable' na paligid, mga aktibidad na para sa lahat, at magaan sa bulsa. Ilan lang 'yan sa aking mga naranasan kasama ang Cagraray.    Matagal-tagal na nang sa unang pagkakataon ay nakapunta ako sa Cagraray kasama ang aking pamilya. Sakay ng van, umabot ng 35 minutos bago kami nakarating sa nasabing lugar. Habang bumibiyahe, una naming napansin ang lugar daan. Pataas, pababa, at liko-liko na daan pero 'di naalinta nang ang pumalit ay ang kaliwa&

Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay

Imahe
   Hindi nalalayo ang ganda ng lugar na ito sa ganda ng ating kabihasnan. Tunay ngang marami pang mga natatanging lu ingar na dapat mapuntahan. Isa na rito ang Farm Plate ng Kiwalo Daraga, Albay. Mula pa lang sa labas nito'y matatanaw na ang malabundok nitong lugar.     Isa ito sa pinakabagong tourist spot sa Albay kung saan kitang-kita ang Mayon Volcano mula rito.    Damang-dama mo ang lamig ng simoy ng hangin mula dito. Mainam na puntahan ito tuwing mag gagabi na kung saan matutunghayan ang napakagandang sunset na nagbibigay ganda hindi lang sa lugar pati na rin sa mga tao. Dinadayo ito ng maraming tao tuwing malapit na ang kapaskuhan kasama ang mga kaibigan at kapamilya!     Kung iisipin naman ang pagpunta doon ay napaka 'accessible' ang daan papuntang Farm Plate kasi maraming pwedeng daanan. Hindi na lugi sa entrance fee na 75 pesos para sa matatanda at 50 pesos naman sa mga bata dahil libre ang kanilang cottages, playground, horse at bike riding, at bonfire. Meron din