Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay


   Napakaraming simbahan ang makikita mo sa Alabay simula sa pinakamaliliit hanggang sa mga naglalakaihang simbahan, ngunit ang simbahan ng Daraga or tinatawag ring Daraga church ang wag na wag mong palalampasin. Ang Daraga church ay nakilala noong 18th century na gawa sa mga volcanic stones o mga bato galing sa bulkan. Maraming nang mga sakuna at mga pangyayari ang pinagdaan ng simbahan ng Daraga, isa na doon ang pagputok ng bulkang Mayon noong 1814, naging malaki at malawak ang naabot na pinsala ng nasabing pagsabog nagiwan ang pangyayaring ito ng 2,000 kataong patay. Isa pa sa mga pangyayaring dinaanan nito ay ang panahon ng digmaam o noon World War II, ginamit ang simbahan bilang headquarters ng mga Hapon noong panahon ng digmaan. 

 Ang Daraga Church ay ipinatayo noong 1773 ng mga Franciscan Missionaries, ang 240 taong gulang n simbahang ito ay isa sa mga hindi kapanipaniwalang mga gawa ng tao sa Legazpi, Albay. Noong 2007 idineklara ang Daraga Church bilang National Treasure, at isa sa mga pinakapopular na tourist spots sa Albay.

Hangang nagyon ay nakatayo pa rin ang Daraga Church at nagsisimbolo ng totoon pananalig. Ang Daraga church ay maaabot mo sa pamamagitang ng pagsakay sa mga Jeepney mula Legazpi papuntang Daraga.



Hindi ko pa naaabot ang simbahan ng Daraga ngunit ayon sa aking mga nakitang mga larawan at sa mga nabasa kong mga kasulatan tungkol dito ninanais ko ring makapunta rito balang araw. Ayon sa sinabi na ito ay isang National Treasure ay lubos n sumasangayon ako, dahil bakit nga ba hindi maraming mga pangayyari na ang pinagdaanan ng simbahang ito at bukod doon ito ang sumisimbolo ng pananalig ng lahat at magiging susi rin sa ating pagbabalik loob sa panginoon. 


Reperensiya:
 www.google/images.com



                                
                          - ALLEN CHRISTIAN BATALLER (12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay