Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay


   Hindi nalalayo ang ganda ng lugar na ito sa ganda ng ating kabihasnan. Tunay ngang marami pang mga natatanging lu ingar na dapat mapuntahan. Isa na rito ang Farm Plate ng Kiwalo Daraga, Albay. Mula pa lang sa labas nito'y matatanaw na ang malabundok nitong lugar. 

   Isa ito sa pinakabagong tourist spot sa Albay kung saan kitang-kita ang Mayon Volcano mula rito.

   Damang-dama mo ang lamig ng simoy ng hangin mula dito. Mainam na puntahan ito tuwing mag gagabi na kung saan matutunghayan ang napakagandang sunset na nagbibigay ganda hindi lang sa lugar pati na rin sa mga tao. Dinadayo ito ng maraming tao tuwing malapit na ang kapaskuhan kasama ang mga kaibigan at kapamilya! 

   Kung iisipin naman ang pagpunta doon ay napaka 'accessible' ang daan papuntang Farm Plate kasi maraming pwedeng daanan. Hindi na lugi sa entrance fee na 75 pesos para sa matatanda at 50 pesos naman sa mga bata dahil libre ang kanilang cottages, playground, horse at bike riding, at bonfire. Meron din silang picnic mats na pwedeng irent kung gusto mag picnic. Pati na rin ang mga tents kung nais namang mag overnight o camping.

   Hindi rin papadaig ang mga pagkain sa kanilang mga menu. Swak na swak sa panlasa ng mga madla at sa lugar. Mabibili lamang ang mga ito hindi tataas sa 100 pesos.

   Napapalibutan ang lugar na ito ng mga nagtataasang mga puno na nabibigay ng napakasimoy na hangin. Clean and Green nga kung ilalarawan ang lugar na ito.

   Maliban dito ay mayroon silang nagtataasang windmill at malinis at malinaw na lawa. 

   Dahil sa kagandahan nito'y maraming dumarayo hindi lang para mamasyal kundi ganapin ang kanilang masasayang kaganapan sa kanilang buhay tulad na lamang ng wedding, birthdays at debut pre-nuptial. Kung madalas nga ay nirerentahan ang buong lugar upang dito na idaos ang napakahalagang okasyon ng kanilang mga buhay.

   Hindi rin maitatanggi na kaya 'FARM PLATE' ang tawag dito dahil kahit mga hayop ay nararapat sa lugar na ito dahil sa taglay nitong ganda. Mayroon ang mga itong barnhouse na kanilang pinamamahayan, katulad na lamang ng mga ibon at kabayo.

   Makikita din dito ang kanilang smallest Chapel 💒 na mas nagpapaganda sa lugar. Ito ang bahagi ng lugar na hinding-hindi malilimutang pasukan. Bibihira lamang sa isang pasyalan ang may simbahan kung kaya't napakalaking paghahanga na mayroon sila nito.

   Very relaxing ang view and ambiance. Pinapanatili nila ang kagandahan nito na siyang malaking tulong sa pagpapakita kung gaano kaganda ang Albay.


                          - ROSH HASHANA ANGEL SAMBAJON (12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay