Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay
Isa sa magagandang destinasyon na aking napuntahan ay ang Hoyop-Hoyopan Cave na makikita sa lugar na
Matatagpuan sa Cotmon Village, Camalig, Albay.
Ito ay kilala bilang kuwebang pinakasikat at ang tinatago nitong kagandahan na makakamtan sa pagpasok sa nasabing kweba. Noong ako'y napadpad sa destinasyong ito labis ang aking pagkamangha sa dami ng lagusan na mapapasukan na nagmumungkahing isang "Labyrinth" o kung sa tagalog ay laberinto.
May laki itong 280 square meter, tinawag itong "Hoyop-Hoyopan" sa wikang Bicolano na ang ibig sabihin sa salitang tagalog ay "Hipan ng Hangin".
Pinupuno ito ng malalaking bato na iba't ibang hugis.
Ayon rito ang kweba na kasing edad ng 3000 B.C hanggang 4000 B.C. Samantala, Ang mga garapon na natagpuan sa loob ng yungib ay may petsang mula 200 B.C. hanggang 900 A.D. at ito ay maiugnay sa Calanay complex.
Maraming mga pasukan at labasan ay nag-iiba mula sa dalawa hanggang 10 metro ang lapad. Dito masusukat ang kasanayan sa pag gapang, at pagluhod upang makalusot upang maabot ang iba't ibang mga silid, kasama ang isang mini-pond at isang dance floor.
Ayon sa aking natuklasan na aral mula rito ay noong panahon ng Martial law kung kailan mahigpit na ipinataw ang curfew, ang kuweba na ito ay nagsilbing isang ligtas na kanlungan para sa mga nagsasalo. Napatunayan ng oras ang halaga ng kuweba. Ang mga taga-baryo ng Camalig ay patuloy na nagsisilong at sumilong mula sa kweba ng Hoyop-Hoyopan sa tuwing sasalanta ng bagyo sa lugar.
Ang entrance fee ay nagkakahalang 200 pesos para sa dalawa hanggang tatlong tao, habang ang bayad sa paradahan ay 25 pesos. Magagamit din ang pampublikong transportasyon patungo sa kweba ng Hoyop-Hoyopan.
Hanggang sa muli Hoyop-Hoyopan!
Mga ala-alang di malilimutan,
Istoryang aking babalik-balikan.
- ANGELYN VILLANUEVA (12- HUMSS B)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento