Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay


  Kung kayo ay nag hahanap ng magandang lugar upang magkaroon ng mapayapang pag iisip, tumakas sa magulong mundo kahit ilang oras lamang at maging masaya na walang iniisip na iba. Farm Plate ang irekomenda ko sainyo, kapag kayo ang nakakaramdam ng stress, may mga problema sa buhay at hindi nakakapag isip ng mabuti, ito ang tamang lugar.

   Akalain mo sarili mo nag rerelax sa isang farm. Ito ay mapayapang lugar upang makapag pahinga habang nilalasap ang  sariwang hangin habang tanaw na tanaw ang ating magandang Mayon Volcano. Farm Plate ay lugar para sa lahat, magandang lugar upang dalhin ang iyong, pamilya, mga kaibigan, at ang kasosyo. Pwede rin  kayo rito mag camping magdamag sa isang mapayapa at ligtas na lugar. Mag lakad lakad upang makita ang mga mlalaking pigeons houses, stone house, camp site, mga kabayo. Umupo sa duyan at mga cottage habang masayang nag sisipsip ng buko juice. Mga bata naman ay pwedeng ma enjoy ang palaruan, carabao ride at mag bisikleta sa loob ng farm. Meron din silang picnic mats na pwedeng irent kung gusto mag picnic. Makikita rin dito ang smallest chapel in the county.  

Nakakawala ng pagod ang mga tanawin sa paligid,magandang pumunta rito kapag hapon hanggang sa gabi dahil dito makikita ang tunay na ganda ng farm plate dahil sa mga ilaw at matatanaw ang mga bituin.







Reperensiya:

 www.google/images.com



                             - TONI ROSE LAPUZ (12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Vanishing Island ng Malilipot, Albay

Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay