Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay



    Kung ang trip nyo magkakaibigan ang vibe na, boracay at palawan upang mag outing na may banda at  mag camping sa taning dagat habang tinitingnan ang magagandang bituin, Punta Almara ang magandang lugar upang puntahan.  


  Ito ay matatagpuan sa Maonan Ligao, maganda pumunta rito kapag ka gabi dahil meron silang banda, may mga cottage den dila at sa loob ay may higaan na pedeng tulugan, kung madami kayo magkaka sama at hindi kasya sa loob ay pwede den mag rent ng mga tent. Ito ay magandang puntahan ng mga taong problemado at gustong takasan ang lugar na dahilan ng kanyang pinag dadaanan dahil makakalma ka sa simoy ng hangin rito at ang tunog ng mga alon sa dagat. Marami din ang dumadayo dito dahil sa ganda ng kapaligiran at ito rin ay white sand. Pwede den mag laro ng volleyball dito. Ito ay tamang lugar upang mapag usapan ang kanya kanyang problema, pag usapan ang tungkol sa mga buhay kasama ang mga kaibigan, pamilya o kung sino pa man ang kasama dahil wala ditong signal, walang Internet o social media, kaya masusulit talaga ninyo ang pag sasamahan.

 



                      - JENNY DE LIAGAS (12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Vanishing Island ng Malilipot, Albay

Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay