Vera Falls ng Malinao, Albay



   Isa ka bang adventurous, hilig maglibot-libot, gustong takasan ang ibat-ibang problema sa kabihasnan, at gusto mong maglakwatsa? Heto ang "Vera Falls" para sayo. Ang Vera falls ay nadiskubre noong taong 1980's bagamat may kalayuan ang naturingang lugar sisiguraduhin naman sa iyo na sulit ito. Napakaganda ng lugar at napakalinis din nito at ang tangi ko lang na masasabi ito'y pasok sa tinatawag nilang travel goals. Ang Vera falls ay matatagpuan sa Malinao, Albay, Philippines. Ang pinakamagandang katangian din ng lugar ay ang napakalamig nitong tubig meron din itong 25 meters na mini waterfalls galing sa mga bato sa tabi. Sa aking pagsasaliksik, ito daw ay mayroong 2 meters na lalim ang tubig ding Ito ay napakalinaw at napakalinis humihingi rin sila ng donasyon para sa para sa pagpapanatili ng kalinisan ng lugar. Ang entrance fee ay sampung piso lamang habang ang parking ay nagkakahalaga ng 50 pesos may mga tindahan at cottages rin dito at ang ikinatutuwa ko ang may kuryente din sila doon.
   Ang unang beses Kung pagkarinig sa lugar na ito ay noong taong 2017 pa ang layo nito Mula sa lugar ng Bacacay Albay ay mahigit tatlong oras. Sa daan ay puro puno, halaman at mga abaca ang nakikita ko medyo nakakatakot dahil meron ding mataas na talahib at minsan ay dumadaan kami sa daan na may mga bangin meron ding daan na halos isang jeep lang ang kasya at ano mang oras ay puwede kaming mahulog sa naturang daan buti na lang at nakauwi parin kami ng ligtas. Sa daan Naman ay matatanaw mo ang napakalaking siyudad at ang napakalawak na karagatan. Sa ganda ng mga tanawin ay dimo talaga mapipigilang hindi ito kuhaan ng litrato. Sa daan ay may mga basketball courts at mga baryo-baryo meron ding iilan na malalayo ang mga bahay. Ang mga kabahayan doon ay hindi ko maitutulad sa mayroong mga mararangya na kabuhayan ngunit napakaganda ng mga Ito. Ang mga kabataan Naman ay masasayang naglalaro sa mga malalaking espasyo ang tanging natatandaan ko sa Lugar na iyon ay Barangay Sua, Malinao, Albay sa pagdating namin doon ay bumungad na sa amin ang napakaraming hagdan na ang akala ko ay di na namin maaabot ang  hangganan nun dahil sa sobrang dami natatandaan ko pa noong naabot namin ang mahigit sa limamput-pitong hagdan na kami ay maririnig mo na ang napakalakas na agos ng ilog pagdating naman sa mga walumput-tatlong hagdan ay maririnig mo na ang talon at maya maya ay matatanaw mo na ang pinagmamalaki nilang Vera falls sa pagapak ko sa huling palapag ng hagdan na mayroong "164 stairs" at kitang Kita ko na ang makapagpigil na hiningang ganda ng lugar masasabi mo talagang sulit lahat ng pagod sa ganda ng tanawin ay hindi na namin mapigilang kuhaan ng litrato ang bawat sulok ng lugar.
   Ang Isa sa hindi ko nakakalimutan ay ang tubig dito na kasing lamig ng yelo bagay na bagay sa maalinsangan na panahon. Ito na ang Isa sa pinakanakakachallenge na kaganapan sa buhay ko at sigurado akong babalik-balikan ko ang Vera Falls na nagbigay ng napakagandang experiensiya dito.



                          - HANNA MAE BONGAT(12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay