Drew Island Beach, Namanday, Bacacay, Albay


   Noong nakaraang ilang buwan ay naging usap usapan Ang bagong beach na talaga namang napakaganda sa munisipalidad ng Bacacay na matatagpuan sa isang baranggay ito ay sa Namanday, Bacacay , Albay. Ang beach na ito ay pinangalanang Drew Islang Beach. Kaya naman ng aming mapag alaman na maraming turista ang nagdadarayo dito ay hindi kami nag pahuli sa pagbisita dito. Noong nakaraang Hulyo ay napag pasyahan Ng aking pamilya na pumunta dito . 
   Talaga namang kamangha mangha ang nasabing beach, sinabayan pa Ng napaka gandang panahon, talagang namang narerelax ang iyong mga isipan. Sa pag punta namin doon ay sumakay kami ng bangka mula sa Bacacay port, dalawang oras Ang aming naging byahe bago makarating sa beach na ito. Talagang maeenjoy mo Ang pagpunta doon dahil sa byahe pa lamang ay makakakita kana nag magagandang tanawin katulad ng dilaw na kalawakan , matataas at matatayog na puno, mga nag lalakihang bato na hinahamapasan ng tubig dagat at Ang preskong hangin na yumayakap sa aming mga katawan na nag bibigay excitement sa bawat Isa sa Amin.  Pwedi din dito abangan Ang pag lubog at pag litaw ng araw na tlaga namang maiinspire Ang bawat isa.



                           - LIZA BRECIA (12- HUMSS B)
 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Farm Plate ng Gabawan, Daraga, Albay

Quituinday Hills ng Camalig, Albay