Albay Park and Wildlife ng

   Ang Albay park and wildlife ay isang kilala lang tourist spot sa Albay Legazpi, ito ay isang picnic grove at park na pinag sama, sa aking pag punta dito ay marami akong nakitang mga bagay na magaganda, tulad ng fishponds, kung saan pwede kang ma mangka. 

   Nakaka tuwang puntahan ang Albay park and wildlife sapagkat makaka kita dito ng iba't ibang hayop, tulad ng mga tiger, Philippines Hawk Eagle, bleeding heart pigeons,ring neck pheasant, iguanas at mga Boa o phyton snakes, tunay na kakaiba ang lugar na ito. Meron din ditong back horse riding At mura din ang entrance fee at tunay na sulit na sulit nga ito para sa buong pamilya na nais makatipid. Sa halagang bente at sampong piso ay para ka ng naka punta sa africa. Bukas ang Albay park and wildlife mula 8:00 am ng umaga hangang 6:00 pm. Mayroon dito na mahigit na 347 na uri ng hayop. 

   Sulit ang bakasyon mo dito. Kaya ano pang hinihintay mo? ARAT NA?



                          - JASMINE HERNANDEZ (12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay