Vanishing Island ng Malilipot, Albay

   Ang Pilipinas ay isang maliit na bansa na matatagpuan sa Asia. Pilipinas ay tinatawag na Perlas ng Silangan dahil sa angking kagandahan na tinataglay nito. Ang ating bansang Pilipinas ay mayayaman sa magaganda nitong tanawin kaya naman maraming mga dayuhan ang nahuhumaling sa taglay nitong ganda. Ikaw? Napuntahan mo na ba ang kasuluksulukan na ganda  ng tanawin ng ating bansa? Kung hindi pa halina't sabay tayong maglakbay sa aking ibabahagi na isang kalikasan na alam kong halos iba sainyo hindi pa napupuntahan ito! Pagkatapos ninyong basahin ito, hindi kayo magdadalawang isip na puntahan ito < ; 

   Sa lugar ng Rehiyon V Bicol ay isa sa mayroong magandang tanawin na pinupuntahan ng mga turista ay ang magandang hugis ng Mayon Volcano. Ngunit hindi lang yan ang magandang lugar na dapat ninyong puntahan dahil may isang nagtatagong lugar na higit niyong magugustuhan. Ito ang Vanishing Island, sa gitna ng karagatan ng Malilipot, Albay. Matutuklasan mo rito ang isang magandang kalikasan na inyong ikagugulat dahil ito'y nasa gitna ng dagat. Oo sa gitna ng dagat! Makikita natin ang kagandahan nito kapag humupa na kapag humupa na ang takbo ng tubig. Pinaniniwalaang nagmula ito sa malalaking alon na tumama sa lugar sa panahon ng mga bagyo, at  nakakagulat kung paano ito naging kaakit akit at isa na sa magandang bagong tuklas na isla na isa na sa pangunahing atraksyon ng turista ng Albay. Vanishing Islang ang pangalang ibinigay sa lugar na ito sapagkat literal itong nawawala tuwing pagtaas ng tubig. Hindi ito karaniwang tulad ng puting buhangin ito ay kilala bilang isang sandbar ng mga boffin na gaya ng isang lens ng makapal na baso. Namangha ka na ba? Tinatanong mo ba sa sarili mo na isa itong isla pero wala namang mga puno? Hindi pa yan tapos < ;, dahil sa pagtaas ng tubig dito magandang lumangoy dito dahil sa lalim nito at ang nakakaakit na berdeng tubig. At kapang dumating naman ang low tide at nawawala ang tubig. Nagsisimulang lumitaw ang  mahiwagang isla. Hindo lang yan dahil sa lugar ding ito makikita ang nag gagandahan at nagsisilakihang mga starfish. At mayroon din ritong lumulutang na cottage na magagamit na nagkakahalaga ng 500 pesos o mas mataas depende sa laki ng cottage na inyong uupahan. Ngayon mas lalo ka bang namangha? Ano pa hinihintay ninyo halina't bisitahin natin ang kagandahan ng Vanishing Island. Paano makapunta doon? Mula sa Legazpi City sasakay ka ng van sa Legazpi Terminal na patungong Bacacay, Albay. Ang oras ng pagbabyahe ay tumatagal ng ng 30 minuto. At ihihinto ka nila sa Bacacay Market o direkta na sa Bacacay Port. At kapag nasa Bacacay Port na kayo. Maghanap ng pampasaherong bangka na papuntang Vanishing Island. Kung walang pampasaherong maari kang magrenta mg isang bangka sa halagang 1,000 pesos. Ang oras ng byahe ay tumatagal ng halos isang oras mula sa Port. Pagkarating mo roon mararamdaman at makikita mo na kung gaano talaga kagandahan ng Vanishing Island < :

   Nakakatuwang makapunta sa isang lugar na hindi natin inaasahan ang taglay na kagandahan nito. Minsan nga hindi tayo makapaniwala na mayroon palang ganun na lugar. At mas lalong nakakatuwa pa na ang mga lugar na ito ay matatagpuan lamang sa ating minamahal na sinilangan.

Reperensiya:
 www.google/images.com




                      
                      - KHENNY JOY BENITEZ (12- HUMSS B)



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay