Mirisbiris Garden and Nature Center ng Sto. Domingo, Albay


   Ang Mirisbiris ng Salvacion Sto.Domingo Albay ay karaniwang binibisita ng mga kabataan na nag eehersisyo pati na rin mga matatanda at mga tao na galing sa ibat ibang lugar binibisita ito dahil tila nga ba nakakawala ng pagod dahil sa taglay nitong ganda at kalinisan ng paligid pati na rin ang karagatan.
   Pag pasok mo palang dito ay bubungad na sayo ang mga napakagandang halaman na namumulaklak meron din itong mga Herbal na halaman kung saan may mga kanya kanyang pangalan at kapag lumibot ka pa ay makikita mo ang napakagandang tulay kung saan tinatawag ito sa Ingles na ''Hanging Bridge''dahil dito ay marami ang kumukuha ng mga litrato.Ngayong taon na ito ay mayroon sila na bagong dinarayo kung saan makikita mo ang mala hugis na apa ng Mayon Volcano.Ito'y pasok naman sa inyong budget dahil pag pumasok ka rito ay hindi sila humihingi ng bayad basta't sundin mo lang ang kanilang alituntunin na bawal pumitas ng halaman at huwag mag tapon ng basura kahit saan pero kung ika ay mag papalipas ng gabi ay kailangan mo nang mag bayad dahil kukuha ka ng kwarto na pwede mong pahingahan dahil meron din itong hotel na pwede mong matululuyan.

Reperensiya:
 www.google/images.com



                              - JANET BANICO (12- HUMSS B)    

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay