Quituinan Hills ng Camalig, Albay
Sa loob ng probinsya ng Albay, iyong makikita ang gintong ilaw na nagmumula sa sinag ng araw sa lugar ng Quituinan Hills, Camalig, Albay. Maraming turista ang dumarayo - maraming p'wedeng gawing mga bago. Sumakay sa kabayo o tumakbo sa damo, itong ipinagmamalaki ng Camalig, Albay ay talagang totoo.
Ilang taon na ang nakalilipas nang madiskubre ang lugar na ito. Mula sa kapaanan ng bundok, hanggang ika'y maka-abot sa taas ay iyong matutunghayan ang kabanabanaad na kulay ng lugar dito. Sa iyong likuran ay iyong matatanaw ang perpektong tatsulok na Bulkan Mayon. Talagang mapapanglaw ka sa tanawing ito na para bang ika'y nasa langit.
Sariling atin kumbaga. Tunay na mapapawi ang iyong mga sama ng loob. Malinis at masarap na simoy ng hangin, sari-saring tanawin, Quituinan ay tunay na pinapanalangin. Sa lugar na ito, maari kang sumakay sa mga kabayo, kumain kasama ang iyong mga mahal sa buhay, o maglakad-lakad sa kalsada kasama ng iyong mga kaibigan o kasintahan.
Ang lugar na ito ay hindi maipagpapalit ng mga Albayanos. Ito ang itinuturing na bundok-kapatagan ng mga tao sa Albay. Bukod sa ito'y isang lugar na punong-puno ng kulay berde, ito'y magandang puntahan din kapag papalubog na ang araw. Mala-ginto ang kulay ng takip silim dito. sa sobrang ganda ng tanawin, ang iyong lungkot ay mapapalitan ng kasiyahan. Ang kabundukan ng Quituinan ay aking maihahambing sa isang dalagang maasikaso. Di nito pinapabayaan ang kanyang sarili upang siya'y hindi maging marumi at hindi maging madungis.
Itong lugar na ito ay sadyang napakatahimik. Tanging mga huni lamang ng ibon, sipol ng hangin, at maaliwalas na tanawin lamang ang iyong matutunghayan.
Ito ang Quituinan sa Albay. Mahal namin ito, at 'di ito mapapalitan ng kung ano pa man.
- JOHN PAUL BASILLA (12- HUMSS B)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento