Busay Falls ng Malilipot, Albay

 


   Ang Busay Falls ay isang popular na pasyalan o Day Trip Destination para sa mga lokal na turista na mahilig sa adventure.Sikat itong pasyalan lalo na kapag araw ng sabado at linggo at kapag sa panahon ng mainit na buwan ng Marso,Abril at Mayo. Ang Busay Falls ay matatagpuan sa sentro ng Bayan ng Malilipot, Albay na nasa isang liblib ng isang gubat na bundok na malayo sa sibilisasyon kung saan napaka presko ng hangin at tamang tamang lugar para sa mga nagpapahinga at naghahanap ng mga lugar para mag relax. Ang nasabing Talon ay may layong 5 kilometro mula sa siyudad ng Tabaco at 20 kilometro naman sa hilaga ng siyudad ng Legaspi. Sa mga nais pumunta,mamasyal at sumubok maligo sa ganda ng talon ay maaring gumamit ng mga pribado o pampublikong transportatasyon.

   Ang Busay Falls ay mayroong pitong yugto o sa madaling salita ito ay hindi lamang iisang talon ,meron itong pitong maliliit na talon kung saan kailangan mo pang umakyat sa matatarik na batuhan at madudulas na daanan kapag umuulan para lamang marating ang ikalawa hanggang ikapitong talon.Mahirap ang pag akyat ngunit kapag narating mo na ang ikalawa,ikatlo hanggang ika pitong talon ay makakalimuta mo ang pagod mo dahil sa ganda ng tanawin.Ang ganitong pagakyat sa mga bundok ay lubos na napakasaya lalo na sa mga mahihilig sa adventure.Kapag naman aakyat sa itaas upang marating ang iba pang talon ay may kasamang eksperto sa pagakyat baba sa yaong bundok, meron ding mga lubid na hahawakan mo kapag madulas ang daan.

   Masasabi kong ang Busay Falls ay tunay ngang nakakaengganyo ang ganda at lamig ng tubig ng dahil ako man ay minsan na ring nakapunta at nakapagsaya sa nasabing talon.Isa Ito sa mga pasyalang talaga namang maipagmamalaki naming mga Bikolano hindi lang dahil sa ganda ng lugar kung hindi dahil na rin sa linis ng tubig at paligid ng talon pati na rin dahil sa mga mababait at palakaibigang staff at sa mga masusugid na nagtatrabaho upang lalo pang mapaganda at mapanatili ang linis ng talon.



                   - ANDREA GWYEN BARON (12- HUMSS B)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Punta Almara Beach Resort ng Ligao, Albay

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay