Embarcadero de Legazpi ng Legazpi City, Albay
Ang Legaspi City sa Albay ay isang maunland na lungsod na mayroong magandang pasyalan gaya na lang ng Embarcadero.Ito ay ang premier na sentro ng komersyal at libangan sa Bicol Region. Bilang isang taong mahilig sa magandang istraktura at pasyalan ako ay labis na nasasabik na makapuntang muli sa lungsod ng Legazpi. Kahit ilang beses na akong nakapunta sa Embarcadero De Legaspi at Hindi i pa rin ako magsasawang balikbalikan ang maganda at masayang lugar na ito.
Ang Legaspi Boulevard at Sea Wall Park ang Isa sa magandang pasyalan sa Embarcadero De Legaspi. Mula sa Penaranda Park sa kahabaan ng Rizal Avenue napakadaling punta sa Embarcadero dahil lahat ng dyip ay dumadaan sa taong lugar. Para naman sa malalayo ang bayan ay pwede silang gumamit ng pribado o pampublikong sasakyan. Ang salitang Embarcadero ay talaga namang Hindi ko makakalimutang dahil Isa ito sa nagbigay ng magsasawang sandali sa aking buhay. Isa pa sa magandang pasyalan sa Embarcadero ay ang Lighthouse Viewdeck kung saan ang parola ay nakasabit sa pangunahing istraktura ng mall. Ang papasok ay nasa ikalawang palapag. Ang tanawin ng baybayin at Viewdeck ng lighthouse ng Legazpi City ay nakakahumaling kung hindi lamang natatakpan ng mga ulap ang ikatlong palapag nito.
Sinasabing ang local na pang skit sa lungsod ay ang ipinagmamalaki nating mga Bikolano na Mayon Volcano kung saan ito ay lubos na nakakahumaling dahil sa perpektong hugis nito. Ang Embarcadero De Legaspi ay lubos naman talagang napakaganda at nakakaengganyong pasyalan sa lungsod hindi lamang dahil sa ganda ng tanawin kundi pati na rin dahil sa mga taong nababakasan ng saya sa kanilang mukha dahil sa magsasawang sandali ng kanilang buhay.
Reperensiya:
www.google/images.com
- ALYSSA TULTOG (12- HUMSS B)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento