Cagraray Eco-Energy Park ng Cagraray, Bacacay, Albay
Hindi mapagkakaila na napakaganda at hitik sa likas na yaman ang Munisipalidad ng Bacacay. Parte nito ang islang may tinatagong nakakahalinang paraiso para sa mga mamamayan lalo na sa mga turista. Ito'y napapagitnaan ng dalawang isla, ang isla ng San Miguel at Batan- ang Isla ng Cagraray. Bakit ko ito sinasabi? Dahil may lugar sa Cagraray na binibisita, hindi lang lokal kundi internasiyonal. Ito ang Cagraray Eco-Energy Park. Tara! Ilalarawan ko sa inyo kung ano-ano ang mga naranasan ko.
Tahimik, sariwang hangin, 'instagrammable' na paligid, mga aktibidad na para sa lahat, at magaan sa bulsa. Ilan lang 'yan sa aking mga naranasan kasama ang Cagraray.
Matagal-tagal na nang sa unang pagkakataon ay nakapunta ako sa Cagraray kasama ang aking pamilya. Sakay ng van, umabot ng 35 minutos bago kami nakarating sa nasabing lugar. Habang bumibiyahe, una naming napansin ang lugar daan. Pataas, pababa, at liko-liko na daan pero 'di naalinta nang ang pumalit ay ang kaliwa't kanang mga tanawin ng mga karatig barangay. Nakita ko na rin sa wakas ang Sula Bridge na nagdurugtong sa mga islang barangay kung saan ito ang pangunahin at kasalukuyang ginagamit na pantransportasyong daan. Panay kuha ng litrato ang aking mga pinsan dahil manghang-mangha sila sa paligid at panaka-naka ay tumitigil ang ang sasakyan para kuhanan ito ng mga litrato. Nang makarating kami, unang pinuntahan namin ang Cagraray Amphitheatre dahil along the way lang naman ito. Sobrang ganda! As in! Kada makita kong bagay ay naaaliw ako. Ramdam ko ang mala-romantikong pakiramdam, naglalakihang punongkahoy at napakagandang pananim, at para akong nasa sinaunang teatro ng Gresya at Roma dahil sa pagkakagawa nito.
Bago kami nakapasok ay nagbayad kami ng P25.00 kada isa. Sa loob, nakita namin ang pamosong Stela Maris Chapel. Ito ay saktong-sakto sa mga nagbabalak na ikasal kasama ang iyong sinisinta habang tinitingnan ang ganda ng Mayon. Ang espasyo at mga upuan sa loob ay tamang-tama lang para sa mga bisita na hindi gaano karamihan. Sa may unahan nito, naglakad kami nang kaunti at may nakita kaming hanging bridge. Nakakatakot dahil sa unang subok ko pa lang nun ay parang mahuhulog ako sa tulay dahil may takot pa na man ako sa matataas na lugar pero makarating sa dulo. Nang makarating kami, may nakita kaming swimming pool. Hindi kagandahan ang bahaging yun dahil marumi at parang napabayaan nang pumunta kami roon.
Katangi-tangi ang aking mga naranasan. Hindi ko man naranasan ang ibang mga aktibidad doon kagaya ng zip lining, AVP, at ang pag-stay ng kahit ilang oras sa lugar na iyong ayos lang. Subalit, pansamantala, sa lugar na iyon nagkaroon ako ng oras para sa aking sarili. Tunay na hindi pahuhuli ang Bacacay sa mga tanawing 'pang- world-class' at yun ang aking pupuntahan sa sunod kong adventure.
Hanggang sa muling pagkikita, Cagraray.
Reperensiya:
* www.google/images.com
* LalaMolina/15
- LALAINE MOLINA (12- HUMSS B)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento