Vanishing Island ng Malilipot, Albay
Sa unang tingin mo pa lamang ay talagang mamamangha kana sa taglay nitong nakakabighaning ganda. Naalala ko pa noong una kaming pumunta sa Vanishing Island ay sobrang ganda talaga nito kahit sa malayo. Alas dose ng hapon kami umalis para makapunta doon ng maaga. Nahuli kami dahil naghanda pa kami ng kakainin namin doon, wala kaseng tindahan doon kaya't nagdala nalang kami ng sarili naming pagkain. Isa hanggang dalawang oras ang naging byahe namin. Hindi na kami nagrenta pa ng bangka dahil yung isa naming kaibigan ay may sarili silang bangka kaya't yun na ang ginamit namin para iwas na rin sa gastos.
Bandang mga 2 pm na ng makarating kami doon. Ang mga cottages ay lumulutang sa tubig na sinasabayan ng paghampas ng mga alon kaya't ito'y napakagandang pagmasdan. Ang isang cottage kung rerentahan ay 500 pesos pataas ang babayaran depende sa laki ng cottage na kukunin. Hindi na kami nagrenta pa ng cottage at ginawa nalang na silungan ang bangka dahil may bubong naman na ang bangkang sinakyan naming magkakaibigan.
Pagkatapos naming magpahinga galing sa byahe ay naligo na kami. Napakalinaw ng tubig at makikita mo sa ilalim ang napakaraming starfish. Malalim na ang tubig sa ibang parte dahil hapon na. Nasilayan man namin ang paglitaw ng buhangin ngunit ito'y mabilis lamang. Sayang nga lang pero sulit pa rin dahil talagang napakaganda roon. Naligo kami hanggang sa kami ay magsawa at napagdesisyunang mamasyal sa ibang isla.
Sulit ang pagpunta namin sa Vanishing Island. Bago kami umalis ay kumuha kami ng litrato sa bawat parte nito mula sa tubig, cottages, starfish at iba pa para maidagdag namin sa aming koleksyon ng mga lugar na pinuntahan namin ng magkakasama. Kung kayo ay naghahanap ng mapapasyalan huwag mong kakalimutan na puntahan ang Vanishing Island. May napakagandang tanawin at tamang - tama para magpicture. Kaya tara na sa Vanishing Island.
Reperensiya:
www.google/images.com
- MARJORY FERNANDEZ (12- HUMSS B)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento