Mga Post

Quituinan Hills ng Camalig, Albay

Imahe
   Sa loob ng probinsya ng Albay, iyong makikita ang gintong ilaw na nagmumula sa sinag ng araw sa lugar ng Quituinan Hills, Camalig, Albay. Maraming turista ang dumarayo - maraming p'wedeng gawing mga bago. Sumakay sa kabayo o tumakbo sa damo, itong ipinagmamalaki ng Camalig, Albay ay talagang totoo.    Ilang taon na ang nakalilipas nang madiskubre ang lugar na ito. Mula sa kapaanan ng bundok, hanggang ika'y maka-abot sa taas ay iyong matutunghayan ang kabanabanaad na kulay ng lugar dito. Sa iyong likuran ay iyong matatanaw ang perpektong tatsulok na Bulkan Mayon. Talagang mapapanglaw ka sa tanawing ito na para bang ika'y nasa langit.     Sariling atin kumbaga. Tunay na mapapawi ang iyong mga sama ng loob. Malinis at masarap na simoy ng hangin, sari-saring tanawin, Quituinan ay tunay na pinapanalangin. Sa lugar na ito, maari kang sumakay sa mga kabayo, kumain kasama ang iyong mga mahal sa buhay, o maglakad-lakad sa kalsada kasama ng iyong mga kaibigan o kasinta

Embarcadero de Legazpi ng Legazpi City, Albay

Imahe
       Ang Legaspi City sa Albay ay isang maunland na lungsod na mayroong magandang pasyalan gaya na lang ng Embarcadero.Ito ay ang premier na sentro ng komersyal at libangan sa Bicol Region. Bilang isang taong mahilig sa magandang istraktura at pasyalan ako ay labis na nasasabik na makapuntang muli sa lungsod ng Legazpi. Kahit ilang beses na akong nakapunta sa Embarcadero De Legaspi at Hindi i pa rin ako magsasawang balikbalikan ang maganda at masayang lugar na ito.        Ang Legaspi Boulevard at Sea Wall Park ang Isa sa magandang pasyalan sa Embarcadero De Legaspi. Mula sa Penaranda Park sa kahabaan ng Rizal Avenue napakadaling punta sa Embarcadero dahil lahat ng dyip ay dumadaan sa taong lugar. Para naman sa malalayo ang bayan ay pwede silang gumamit ng pribado o pampublikong sasakyan. Ang salitang Embarcadero ay talaga namang Hindi ko makakalimutang dahil Isa ito sa nagbigay ng magsasawang sandali sa aking buhay. Isa pa sa magandang pasyalan sa Embarcadero ay ang Light

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Imahe
   Napakaraming simbahan ang makikita mo sa Alabay simula sa pinakamaliliit hanggang sa mga naglalakaihang simbahan, ngunit ang simbahan ng Daraga or tinatawag ring Daraga church ang wag na wag mong palalampasin. Ang Daraga church ay nakilala noong 18th century na gawa sa mga volcanic stones o mga bato galing sa bulkan. Maraming nang mga sakuna at mga pangyayari ang pinagdaan ng simbahan ng Daraga, isa na doon ang pagputok ng bulkang Mayon noong 1814, naging malaki at malawak ang naabot na pinsala ng nasabing pagsabog nagiwan ang pangyayaring ito ng 2,000 kataong patay. Isa pa sa mga pangyayaring dinaanan nito ay ang panahon ng digmaam o noon World War II, ginamit ang simbahan bilang headquarters ng mga Hapon noong panahon ng digmaan.   Ang Daraga Church ay ipinatayo noong 1773 ng mga Franciscan Missionaries, ang 240 taong gulang n simbahang ito ay isa sa mga hindi kapanipaniwalang mga gawa ng tao sa Legazpi, Albay. Noong 2007 idineklara ang Daraga Church bilang National Tr

Quituinday Hills ng Camalig, Albay

Imahe
    Mula sa Capital ng Probinsya ng Albay isang oras mahigit ang tatahakin upang makapunta sa Camalig Albay, isang lugar kung saan matatagpuan ang nakatagong kayamanan ng probinsiya.Ito ay tinaguriang kapatid ng "Chocolate Hills" ng Bohol ngunit mula saaking karanasan mayroon paring pagkakaiba sa maraming aspeto at ito ang nag bibigay ng natatangingn ganda at aliw sa mga tao.    Isang nakatutuwang kaganapan saaking buhay ang makapunta sa iba't ibang magagandang tanawin katulad na lamang ng Quitinday Hills.Bukod sa ito'y napakaganda ito rin ay nakakatulong sa pag tanggal ng stress saatin lalo na't sa kaganapan saating mundo.Bagamat nagpapatupad ng tinatawag na health protocols o mga pamantayang pang kalusugan ay hindi dapat mawala ang pag tanaw sa magaganda't makukulay na tanawing bigay ng Poong Maykapal.Subalit panatilihin pa rin ang kalinisan hindi lamang sa kalikasan kundi narin sa pansariling kaligtasan.                               - ALEYAH RO

Hoyop-hoyopan Cave ng Camalig, Albay

Imahe
   Isa sa magagandang destinasyon na aking napuntahan ay ang Hoyop-Hoyopan Cave na makikita sa lugar na Matatagpuan sa Cotmon Village, Camalig, Albay.       Ito ay kilala bilang kuwebang pinakasikat at ang tinatago nitong kagandahan na makakamtan sa pagpasok sa nasabing kweba. Noong ako'y napadpad sa destinasyong ito labis ang aking pagkamangha sa dami ng lagusan na mapapasukan na nagmumungkahing isang "Labyrinth" o kung sa tagalog ay laberinto.        May laki itong 280 square meter, tinawag itong "Hoyop-Hoyopan" sa wikang Bicolano na ang ibig sabihin sa salitang tagalog ay "Hipan ng Hangin". Pinupuno ito ng malalaking bato na iba't ibang hugis.         Ayon rito ang kweba na kasing edad ng 3000 B.C hanggang 4000 B.C. Samantala, Ang mga garapon na natagpuan sa loob ng yungib ay may petsang mula 200 B.C. hanggang 900 A.D. at ito ay maiugnay sa Calanay complex.        Maraming mga pasukan at labasan ay nag-iiba mula sa dalawa hanggang 10

Our Lady of the Gate Parish Church ng Daraga, Albay

Imahe
   Ang Our Lady of the Gate Parish ay itinayo noong 1772. Ang simbahan ay mayroong kasaysayan at may isang kamangha-manghang tanawin ng isang labis na pagtingin sa Mayon Volcano (na isa sa mga dakilang kababalaghan sa Mundo). Ang lugar na ito ay nakaupo sa tuktok ng burol at maraming mga mag-asawa ang nagbu-book o nais magpakasal sa simbahang ito.     Ipinagdiwang ang aking kaarawan dito sa Daraga noong nakaraang Pebrero. Bumisita kami sa Our Lady of the Gate Parish at nakarinig ng isang misa. Ang simbahan ay binago ngunit maaari mo pa ring makaramdam ng nostalhik sa ambiance nito. Sa labas mismo ng simbahan, maaari ka ring magkaroon ng isang perpektong pagtingin. Dapat bisitahin kapag nandito ka sa Albay. Reperensiya:   www.google/images.com                              - HAROLD SENDICO (12- HUMSS B)

Mirisbiris Garden and Nature Center ng Sto. Domingo, Albay

Imahe
   Ang Mirisbiris ng Salvacion Sto.Domingo Albay ay karaniwang binibisita ng mga kabataan na nag eehersisyo pati na rin mga matatanda at mga tao na galing sa ibat ibang lugar binibisita ito dahil tila nga ba nakakawala ng pagod dahil sa taglay nitong ganda at kalinisan ng paligid pati na rin ang karagatan.    Pag pasok mo palang dito ay bubungad na sayo ang mga napakagandang halaman na namumulaklak meron din itong mga Herbal na halaman kung saan may mga kanya kanyang pangalan at kapag lumibot ka pa ay makikita mo ang napakagandang tulay kung saan tinatawag ito sa Ingles na ''Hanging Bridge''dahil dito ay marami ang kumukuha ng mga litrato.Ngayong taon na ito ay mayroon sila na bagong dinarayo kung saan makikita mo ang mala hugis na apa ng Mayon Volcano.Ito'y pasok naman sa inyong budget dahil pag pumasok ka rito ay hindi sila humihingi ng bayad basta't sundin mo lang ang kanilang alituntunin na bawal pumitas ng halaman at huwag mag tapon ng basura ka